Human Interest

Plastic bag laman ang hangin mula sa concert ni Kanye West naibenta ng mahigit $7,000

Atlanta, GEORGIA—Nakakatawa at nakakapagtaka mang isipin, pero hindi ito isang biro mga Ka-Brigada.

Kung sabagay, sino nga ba naman ang mag-aakalang ang hangin na nasa loob ng isang plastic bag na umano’y inipon mula sa concert ng isang sikat na singer/song writer ay maaaring maibenta sa halagang $7,600 o katumbas ng halos P400,000.

Nangyari ang transaksiyon at bentahang ito sa website ng isang e-commerce company na eBay.

Ipina auction ng eBay seller na may username na  imacanon16canz ang isang resealable plastic bag laman ang hangin mula sa concert ng sikat na American rapper at singer/song writer na si  Kanye West na ginanap sa Mercedez Benz stadium sa Atlanta, Georgia nitong nakaraang July 22.

Dinaluhan ang naturang concert ng nasa 40,000 fans ni West ngunit may ibang hindi pinalad na makanuod ng live matapos magka-ubusan ng ticket.

Dahil dito, naisipan ng oportunistang fan na isa sa mga live na nakadalo sa nasabing concert ang mag ipon ng hangin sa naturang event sa pamamagitan ng plastic bag, bago ito ibinenta at ipina auction.

Nagsimula sa $3,333 ang bidding price nito hanggang sa umabot ng $7,600 o katumbas ng P377,000. Hindi naman pinangalanan kung sino ang “avid fan” na gumastos ng ganun kalaking halaga para lamang mapasakamay ang plastic bag na may lamang hangin.

Hindi ito ang unang pagkakataon na naibenta ang hangin mula sa concert ni West dahil noong 2015, ay naisubasta rin sa halagang $65,000 ang plastic bag laman naman ang hangin mula sakanyang concert sa Yeezus.### JUMEL DELA ROSA

BNFM Bicol

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

12 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

12 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

12 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

13 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

13 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

13 hours ago