NAGA CITY- Isa sa mga programa na patuloy na isinu-sulong ng Solid Waste Management Office Naga ang paggamit ng plastic petroleum fuel.
Ito ay isang uri ng petrolyo na gawa mula sa plastic waste na nakokolekta ng nasabing opisina.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Engr. Joel Martin nabanggit niya na sa 200 kilos na residual plastic ay nakagagawa ng 80-litro na plastic petroleum fuel na kung saan nagagamit sa pagpapatakbo ng mga garbage trucks, heavy equipment, generator at isa sa pinakamalaking tulong nito ay pag-gamit sa mga kerosene kalan o kusinilya sa pagluto.
Mula sa sampung mga benepisyaryo ng proyekto, dalawampu na ito sa kasalukuyan. Hiling ni Engr. Martin na madagdagan pa ang magdodonate ng kusinilya para mas marami pa ang matulungan at mas mapakinabangan ang plastic waste ng lungsod.