Plunder complaint laban kay suspended BuCor Chief Bantag, suportado ng DOJ

Suportado ng Department of Justice (DOJ) ang planong pagsasampa ng kasong plunder ni Bureau of Corrections (BuCor) Officer-in-Charge Gregorio Catapang Jr. laban kay suspended BuCor Director General Gerald Bantag.

Gayunman, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na kailangan pa rin niyang malaman ang detalye ng nasabing plunder charge.

Aayon kay Remulla, nakaparesponsableng Bucor OIC ni Catapang dahil alam niya kung ano ang dapat gawin.

Nabatid na nitong nakaraang Lunes, sinabi ni Catapang na inihahanda na niya ang plunder case laban kay Bantag at umaasa siyang pagkatapos ng Pasko ay pormal na niya itong maisasampa.

Sinabi pa nito na isinasapinal na lamang niya ang pag-file ng plunder case kung saan nais niyang magkaroon ng state witness.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *