PNP 12 nagbabala sa publiko laban sa hindi otorisadong pagsusuot ng uniporme ng pulis

KORONADAL CITY- NAGBABALA si Police Brigadier General Jimili Macaraeg, regional director ng Police Regional Office o PRO 12 sa mga sibilyan laban sa hindi otorisado at labag sa batas na pagsusuot ng uniforms ng Philippine National Police o PNP o militar.

Ayon kay Macaraeg na ang sinumang lalabag ay maaaring makasuhan o makulong batay sa Article 177 (Usurpation of Official Functions) at Article 179 (Illegal Use of Uniforms or Insignia) ng Revised Penal Code.

Binalaan din nito ang publiko na huwag magsuot ng naturang uniporme para lamang sa content sa social media katulad ng Youtube, Tiktok at Facebook.

Inatasan naman ni Macaraeg ang mga PNP personnel na hulihin ang mga civilian o unauthorized person na mahuhuli sa aktong nagsusuot ng PNP uniforms o insignias at hinikayat ang publiko na i-report ang mga civilian posers sa social media na gumagamit ng uniporme ng pulis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *