PNP, AFP, PCG – all-set na sa Marcos inauguration

Tatlong araw bago ang panunumpa ni President-elect Bongbong Marcos sa National Museum – puspusan pa rin ang paghahanda ng mga tauhan ng AFP at PNP para masigurong walang makalulusot na mga banta at anu pa mang untoward incidents sa June 30.

Kaninang umaga, idinaos ang rehearsal kasama ang PNP, AFP, pati na rin ang Philippine Coast Guard at Air Force.

Nilalayon nito na matiyak na handa ang mga security forces sa ilalatag nitong measures sa araw ng inagurasyon ni Marcos.

Doble-kayod din ang iba pang mga ahensya kagaya ng DPWH, at MMDA para masigurong handa na ang entablado kung saan tatayo si Marcos para manumpang susunod na Pangulo ng Republika.

Kaugnay nito, sa araw ng Miyerkules ay inaasahang idaraos din ang ikalawang bahagi ng rehearsals – isang araw bago ang mismong Marcos oath-taking.

Sa kasalukuyan, mahigpit pa rin ang ipinatutupad na seguridad sa palibot ng National Museum.

Muli namang pinaalalahanan ang mga motorista na asahan na ang mahigpit na daloy ng trapiko dahil sa mga ipinatutupad na road closures.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *