Breaking News

PNP, AFP tiniyak ang seguridad kasabay ng babala ng Japan sa posibleng terror attack

Tiniyak ng mga law enforcement agency ng bansa na nakatutok sila sa pagbabantay sa seguridad ng bansa kasabay ng babala ng Japan embassy na mayroong banta ng terrorist attack sa ilang bansa sa Southeast Asia.

Ang pagtiyak ay kasunod ng warning ng Japan sa kanilang mga mamamayan na iwasan muna ang Pilipinas at iba pang bansa sa rehiyon dahil sa bantang suicide bombing ng mga terorista.

Sinabi ni PNP Chief General Guillermo Eleazar na bagamat hindi naman nawawala ang banta ng terorismo ay wala naman silang namomonitor na pag-atake.

Ayon kay Eleazar, patuloy ang mahigpit na ugnayan ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa para sa information sharing kaugnay sa monitoring sa mga terrorist group.

Siniguro naman ni AFP Spokesman Col. Ramon Zagala na mahigpit ang ginagawang validation ng kanilang intelligence group sa mga nakukuhang impormasyon para sa seguridad ng bansa.

BNFM Makati

Recent Posts

Alyansa ng Pilipinas sa Amerika sa WPS, pinaboran ng mahigit kalahati ng mga Pilipino

Hindi bababa sa 43% ng mga Pilipino ang pabor sa pakikipag-isa ng Pilipinas sa Amerika…

7 mins ago

Lalaki, sugatan matapos saksakin sa Tayabas City

Sugatan ang isang lalaki matapos itong saksakin ng kainuman sa Barangay Mayuwi, Tayabas City nitong…

14 mins ago

SILG Abalos, nanguna sa mga top performing Cabinete secretaries ng pamahalaan – survey

Nanguna si Interior Secretary Benhur Abalos sa top performing Cabinete secretaries ni Pangulong Bongbong Marcos…

14 mins ago

Menor de edad, wala ng buhay nang matagpuan sa Mauban, Quezon

Palutang-lutang at wala ng buhay nang matagpuan ang isang menor de edad sa Maapon River,…

19 mins ago

727 athletes at coaches ng Naga City nasa Legaspi City na para sa Palarong Bicol 2024

NAGA CITY – Nasa Legaspi City na ngayon ang buong team ng mga manlalaro ng…

27 mins ago

Mga bakawan sa Calabanga, Camarines Sur, kulang na kulang pa; kakaunting supply ng isda at ipa pang lamang dagat, problema pa rin

CAMARINES SUR - Kulang na kulang pa ang bakawan sa bayan ng Calabanga, Camarines Sur,…

36 mins ago