PNP Agoncillo, kinilalang Top Performing Class C MPS  sa Batangas

Kinilala bilang top performing class C ang Agoncillo Municipal Police Station sa lalawigan ng Batangas para sa buwan ng Mayo.

Ito sa kabila ng maayos at kalidad na serbisyo ng mga tauhan sa naturang himpilan sa pamumuno ni Police Major Broderick Noprada.

Nasungkit ng nasabing istasyon ang parangal sa over-all accomplishment base sa resulta ng kanilang Unit Performance Evaluation Rating na pinangungunahan ng Batangas Police Provincial Office.

Samantala, nagpaabot naman pagbati ang lokal na pamahalaan ng Agoncillo dahil ang pagkilalang ito sa kapulisan ay karangalan din ng nabanggit na bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *