PNP at Phil. Army sa Camarines Sur patuloy ang pagtutulungan sa katuparan ng ECLIP sa mga armadong grupo na nais ng sumuko sa pamahalaan

NAGA CITY –May kanya-kanyang programang ginagawa ang mga personahe ng Phil National Police at ang Philippine Army sa Camarines Sur para mahikayat ang mga armadong grupo na magbalik-loob na sa Gobyerno.

Ang tropa nila ay parehong nakikita sa mga malalayong barangay ng lalawigan, sa mga paaralan para isakatuparan ang kanilang community service kabilang na rin ang pakikipag-usap sa mga ito,  pagbibigay ng medical services at iba pa.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay P/Lt. Rick Reginales, Platoon leader ng Camarines Sur First Police Mobile Force Company at team leader ng Retooled  Community Support Program, sinabi niyang patuloy na inilalapit ng pamahalaan ang ganitong mga serbisyo.

Kahapon ang tropa ng mga pulis ay nagsagawa ng Information Operation sa pamamagitan ng tatlong araw na PAGKALINGA SA PAMAYANAN sa Sitio Poricot Brgy. Mambulo Nuevo, sa Libmanan. 

Nabanggit pa niya nakapalaman din ito sa Anti-Terrorism Law at ang Enhanced Comprehensive and Local Integration Progam  na kung saan maganda ang resulta dahil sa may mga nagsu-surrender na rin sa kanila.

Sa panig naman ng Phil Army, may sumukong isang rebelde itong si alyas “Percy” na dala ang kaniyang armas na M79 Cal. 40mm at mga bala nito.

Siya ay isa sa mga miyembro ng armadong grupo na ang operasyon ay sa Garchitorena, Caramoan at Presentacion.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *