PNP Bicol, binigyang-linaw ang tungkol sa National Police Clearance System; otorisadong mga himpilan sa Albay, inilatag

LEGAZPI CITY – Binigyang-linaw ng Philippine National Police (PNP) Bicol ang tungkol sa ipinatutupad na National Police Clearance System (NPCS).

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay PNP Bicol Spokesperson, PLt. Col. Ma. Luisa Calubaquib, sinabi niya na matagal nang mayroong NCPS sa bansa, katunayan nito, nagkaroon ng pilot operation nito noong taong 2019 sa lunsod ng Legazpi.

Ayon sa kanya, isa ang lunsod sa recipients ng nasabing sistema sa police clearance, at nagkataon lamang na ang mga otorisadong himpilan na mag-iisyu ng NCPS ay ang 24 C/MPS sa rehiyon.

Aniya, maaari pang madagdagan ang 24 dahil ang mga ekipahe na ginagamit ay mula pa sa national headquarters na magagamit upang maging sentralisado ang nasabing system sa buong bansa.

Sa ilalim umano ng NCPS, maaari nang makapag-apply para sa police clearance saan mang sulok ng bansa.

Kinakailangan lamang na mag-log in sa kanilang website, at piliin doon kung saang himpilan kukuha.

Sa nasabing proseso, maglalagay din ng schedule o appointment upang maiwasan ang dagsaan o siksikan sa araw ng pagclaim nito, at kasabay din ang pagbayad ng PHP150.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *