PNP Bicol, may paalala kaugnay ng paggamit ng mga paputok

Patuloy na binibigyang-diin ng Philippine National Police (PNP) Bicol sa publiko angb tungkol sa paggamit ng mga paputok lalung-lalo na ngayong holiday seasons.

Nagpapaalala ang nasabing opisina na iwasan na ang paggamit ng mga ito upang mabawasan o hindi na madagdagan pa ang mga nagiging kaso o insidente ng mga napuputukan.

Ang monitoring umano ay isasagawa ng nabanggit na yunit kasama ang mga local chief executives sa produksyon, pagbenta at paggamit ng mga paputok upang masigurong nasusunod ang mga tuntunin sa pagpapatupad ng kaligtasan ng publiko sa mga pagdiriwang alisunod sa RA 7183 o “An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution and Use of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices.”

Sinuman umano ang mapapatunayang lumalabag sa nasabing batas ay parurusahan sa pamamagitan ng multa na hindi na bababa pa sa dalawampung libumpiso at hindi na tataas pa sa tatlong libumpiso; pagkakakulong ng hindi bababa sa anim na taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *