PNP-Bicol naglagak ng 17 mga quarantine at control points sa iba’t-ibang panig ng rehiyon ngayong nakasailalim sa alert 3 ang ilang probinsya

BNFM BICOL—Inihayag ng PNP-Bicol na nasa 17 mga quarantine at control points ang kanilang inilagak sa iba’t-ibang panig ng rehiyon ngayong nakataas at itataas sa Alert Level 3 ang quarantine classification ng ibang mga lalawigan sa Bicol.

Aabot naman sa kabuuang 207 mga personahe ng PNP, Phil. Army at maging ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang nakabantay sa mga naturang quarantine control points upang masigurong maayos na naipapasunod ang mga umiiral na travel protocols at iba pang mga polisiya bilang pag-iingat ngayong muli nanamang tumataas ang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Matatandaang kahapon, January 14 ay itinaas sa Alert Level 3 ang lalawigan ng Albay at Camarines Sur, habang bukas January 16, isasailalim rin sa Alert Level 3 ang mga probinsya ng Catanduanes, Sorsogon at Camarines Norte maging ang lungsod ng Naga.

Kaugnay nito, inanunsyo rin ng Police Regional Office 5 na nasa 12,824 na sakanilang mga uniformed at non uniformed personnel ang bakunado na kontra COVID-19 na katumbas ng 99.46% ng kabuuang bilang ng kanilang mga personahe.###

Leave a Reply

Your email address will not be published.