PNP, bukas na ipasok sa WPP ang mga pulis na sangkot sa pagkawala ng sabungeros

Handa umanong magbigay ng seguridad ang Philippine National Police (PNP) sa mga dismissed officers na sangkot sa pagkawala ng mga sabungero.

Nakaraang lingo nang sumuko sina dating Patrolman Rigel Brosas, at dating Staff Sargeant Daryl Paghangaan – dalawa sa limang mga suspek na itinuturong nasa likod ng pagdukot sa isang master agent ng online sabong na si Ricardo Lasco sa Laguna.

Sumuko na rin si dating Corporal Roy Naverete matapos ang pag-surrender ng naunang dalawang mga suspek.

Sa pulong balitaan, sinabi ni PNP chief Gen. Rodogo fo Azurin Jr. na bukas sila sa pagsasailalim sa witness protection program (WPP) ng Department of Justice (DOJ)

Ayon kay Azurin, sakali mang mapatunayang maliit lang ang partisipasyon ng mga pulis sa pagkawala ng mga sabungero ay maaari silang isailalim sa WPP.

Handa rin umano silang magbigay ng seguridad sa mga pamilya ng tatlong dating pulis.

Sa huli, sinabi ni Azurin na umaasa sila ng full cooperation sa mga ito para matukoy na kung sino ang mastermind sa mga missing cockfighting enthusiasts.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *