PNP-Camarines sur naka full alert status sa Misa de Aguinaldo ; malalayong barangay pinatututukan sa mga opisyal

NAGA CITY- Kaisa ang mga barangay officials at mga barangay tanod kasama pa ang mga force multiplier sa full alert status ng Camarines Sur Police Provincial Office para sa 9 na araw na misa de Aguinaldo hanggang sa kapaskuhan.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PMaj. Maria Victoria Abalaing, tagapagsalita ng CSPPO, sinabi nitong pinalalawak pa nila ang police visibility sa mga pampublikong lugar.

Sa malalayong bayan naman pinatibay ng pulisya ang koordinasyon sa mga barangay tanod. Aminado si Abalaing na hindi naman kasi lahat ng komunidad ay abot ng PNP. Kaya hiling ang kooperasyon ng bawat isa para sa ligtas na mga pagtitipon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *