PNP Cauayan City, naniniwalang wala ng namamalaging makakaliwang pangkat sa mga barangay sa lunsod

Naniniwala ang Cauayan City Police station na wala nang threatened barangay o barangay sa lunsod ng Cauayan na mayroong presensiya ng CPP-NPA.


Sa naging panayam kay PLTCOL Sherwin Cuntapay ang Hepe ng Cauayan City Police Station, ito umano ay base sa periodic status ng istasyon kung saan nakasaad na wala nang threatened barangay sa lunsod.


Aniya, bagaman wala ng presensya ng makakaliwang pangkat ay magpapatuloy pa rin ang pangangalaga ng kapulisan at implementasyon ng mga proyekto upang mapanatili ang peace and order situation sa lunsod.


Samantala, ayon pa kay PLTCOL. Cuntapay, ipagpapatuloy umano ng Cauayan City PS ang project villaflor ng 2nd PMFC upang maramdaman ng mga residente sa naturang barangay ang preseniya ng kapulisan at mapanatiling walang banta ng insurhensiya.

Aniya, ang Villa Flor umano ay itinuturing na isolated barangay ng lunsod kung saan ikinonsiderang safe haven ng mga CPP-NPA.


Ngunit dahil umano sa project Villaflor kung saan gumawa OPLAN Air bender o case operational plan ang 2nd PMFC katuwang ang Cauayan City PS, DOST Region 2 at LGU Cauayan ay matagumpay na nadakip ang tatlong rebeldeng kanilang target at kasalukuyan nang nakakulong.


Mayroon na rin aniyang naitatag na permanent platoon base sa nasabing barangay at ibinigay ang pangangailangan ng mga ito gaya na lamang umano ng water system sa tulong ng PNP, DOST, LGU Cauayan at iba pang stakeholders.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *