Wi-nelcome ni PNP Chief General Benjamin Acorda Jr. ang itinutulak na imbestigasyon ng Senado sa kaso ng mistaken identity sa biktimang si Jemboy Baltazar.
Ayon kay Acorda, magandang venue aniya ito para mabigyan linaw ang isyu at ginagalang niya ang wisdom ng Senado.

Nauna nang naghain ng resolusyon sina Sen. Risa Hontiveros at Sen. Koko Pimentel III na imbestigahan ng Senado ang pagkamatay ni Jemboy in aid of legislation.
Lumalabas kasi umano na gumamit ang mga pulis na sangkot sa operasyon sa Navotas ng sobra-sobrang pwersa na hindi naman makatwiran sa pagpatay ng menor de edad na walang kalaban-laban.