PNP Chief Acorda bumisita sa burol ng nasawing pulis sa Orion

Bumisita si PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr sa burol ni Police Corporal Darnel Alfonso, ang nasawing pulis matapos mauwi sa engkwentro ang isinagawang police operation nakalipas na araw sa Orion, Bataan.

Iginawad rin ang Medalya ng Kadakilaan sa nasabing pulis ni Acorda nakalipas ngayong araw ng Huwebes.

Maliban dito ay ginawan rin ng opisyal ang mga nasugatang sina Pmaj Dennis Duran at Pssg Glen Salac ng Medalya ng Kadakilaan at Medalya ng Sugatang Magiting.

Matatandaan, Myerkules nang madaling araw nang magsagawa ng buy bust operation laban sa dalawang suspek sa gun running ang PNP kung saan nasawi si Alfonso at ang mga suspek habang nasugatan naman sina Duran ar Salac.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Bataan PNP

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *