PNP Chief Acorda, patuloy ang pagsisikap na gawing drug free ang kanilang hanay

Patuloy ang pagsisikap ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., na gawing drug free ang kanilang hanay.

Mula Enero hanggang buwan kasalukuyan, mahigit 116, 000 na mga tauhan na ng PNP ang sumailalim sa random drug testing kung saan 25 ang nagpositibo rito.

Maalaalang mula sa nabanggit na bilang, walo na ang na dismiss sa serbisyo, isa naman ang nag-resign habang ang iba pa ay sumasailalim ngayon sa summary hearing proceedings.

Bagamat may mga nagpositibo, maliit na porsyento lamang ito na kumakatawan sa .02 percent, malaki ang ibinaba mula sa mahigit 200 na nagpositibo noong 2016.

Pinasalamantan naman ni Acorda ang lahat ng kanyang tauhan na nagpasailalim sa random drug testing na nagpapakita ng kanilang pangalp sa pagtataguyod sa batas at paglilingkod sa sambayanang Pilipino nang may dangal at integridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *