PNP chief, aminadong may pagkukulang matapos ang hostage-taking sa Krame

Aminado si Philippine National Police chief Gen. Rodolfo Azurin na posibleng nagkaroon ng lapses ang mga kapulisan na naging dahilan ng hostage-taking sa custodial facility sa Kampo Krame.

Ayon kay Azurin, naging kumpyansa ang mga pulis dahil posibleng nagkaroon na ng rapport ang mga bantay rito, sa mga bumibisita sa pasilidad.

Dahil dito, ipinare-repaso na ng PNP chief ang mga standard operating procedures sa kanilang pasilidad.

‘We are also trying to study, re-evaluate the existing policies and guidelines pertaining sa visitation sa naka-detain doon, as well as policies na dapat ma-implement ng police officers natin as so far as the security of the area is concerned.’ ani Azurin sa pulong balitaan sa Kampo Krame.

Sa ngayon, ang PNP-Criminal Investation Detection Group o PNP-CIDG na ang tututok sa imbestigasyon sa insidente, at naka-heightened alert na rin ang seguridad sa Kampo Krame.

Nananatili na lang din sa pito ang mga detainees sa naturang pasilidad.

Kaugnay nito, binigyan naman ng parangal kaninang umaga ang pulis na sumagip kay de Lima.

Ginawaran ng ‘Medalya ng Kadakilaan’ si Headquarters Support Service acting Dir. Police Col. Mark Pespes para sa intervention nito na nagresulta sa kaligtasan ng dating Senadora.

Si Pespes ang nakapag-neutralize sa hostage-taker na si Feliciano Sulayao Jr.
#

CSU chief, sinibak

Sinibak sa pwesto ni PNP-Chief Gen. Rodolfo Azurin si Lt. Col Patrick Ramillano ang hepe ng Custodial Security Unit sa ilalim ng Headquarters Support Service.

Sa press conference sa Camp Crame sinabi ni Azurin na ito ay upang bigyan-daan ang isinasagawang imbestigasyon sa nangyaring hostage taking at tangkang pagtakas ng mga detenido sa PNP- custodial center kahapon.

Ayon sa PNP-chief aalamin sa naturang imbestigasyon ang posibleng pananagutan o administrative liabillity ng naturang opisyal pati na ang mga gwardiya na nagbabantay sa mga detainees.

Sa ngayon pansamantala munang hininto ng PNP-Custodial center ang pagtanggap ng mga dalaw sa mga nakakulong sa naturang pasilidad.

Sinabi din ni Azurin na pinag-iisipan din nila baguhin ang ilang sistema ng pagpapakain pati na ang pagtanggap ng mga bisita ng detenido.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *