PNP chief Azurin, kinontra ang pahayag ni SPD Dir. Kraft na ‘case solved’ na ang pamamaslang kay Percy Lapid

Dismayado umano si Philippine National Police chief Rodolfo Azurin sa naging development ng kaso sa pamamaslang sa brodkaster na si Percy Lapid.

Sa pulong balitaan, kinontra ni Azurin ang naging pahayag ng suspended Bureau of Corrections director general Gerald Bantag na hindi raw sinabihan ang BuCor hinggil sa isang person deprived of liberty sa New Bilibid Prison na sinasabing middleman sa krimen.

Hindi rin isinasantabi ni Azurin ang anggulo na posible ngang may foul play sa insidente.

Kinontra din nito ang unang pahayag ni Southern Police District (SPD) district director B/Gen. Kirby Kraft na itinuturing nilang ‘case solved’ ang krimen dahil hawak na nila ang self-confessed gunman na si Joel Escorial.

Hindi rin kumbinsido ang PNP chief sa unang ulat sa sanhi ng pagkamatay ni Jun Villamor na bangungot.

Imposible umano itong mangyari ng tanghaling tapat dahil sa init at siksikan sa New Bilibid Prison.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *