PNP Chief Eleazar, aminadong malaking pondo pa ang kailangan sa pambili ng Body Cam

Malaki pa ang pangangailangan ng pambansang pulisya pag dating sa pondo na pambili ng body camera ng mga pulis sa bansa
Sa pag bisita kahapon ni Chief PNP Gen. Guillermo Eleazar sa Camp Olivas sa City of San Fernando Pampanga, sinabi nito na nasa 30 libong mga body cameras pa ang kailangan ng PNP.
Sa Central Luzon, 192 camera pa lamang ang naipamahagi sa labing anim na mga city police sa rehiyon.
Tig labing dalawang mga camera ang naipamahagi na sa bawat city director.
Ayon kay Eleazar, nabili na ng PNP ang system para sa central command center ng mga ito kaya tutok na lamang sila sa ngayon sa pagbili ng mga camera units.
Bukas naman umano ang kapulisan sa mga gustong magbigay ng pondo para sa pagbili ng mga body camera.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *