National

PNP chief: Idang Susukan at Anduljihad Susukan na naaresto noong 2020 sa Davao city kasama si Misuri, iisang tao lang

Kinumpirma ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. na si Idang Susukan isa sa napatay sa bigong pagtakas sa PNP Custodial Center ay iisang tao lang mula sa kinilalang si Anduljihad Susukan na naaresto sa Davao City noong August 2020.

Batay sa intelligence reports, si Susukan ay sumuko kay Misuari noong April 2020 at sinasabing malayang nakakapag-ikot sa loob ng MNLF camp.

Pero noong Aug. 9, 2020, sinabi ni Col. Kirby John Kraft, head ng Davao City police, na namonitor umano si Susukan na bumiyahe kasama si Misuari lulan sa private jet papuntang Davao City, para sukatan ng prosthetics para sa kanyang kaliwang braso na sinasbaing naputol dahil sa engkwentro sa militar.

Matapos mahuli ito sa naturang lungsod, ay nailabas ang mga warrants of arrest para 23 kaso ng murder, frustrated murder, kidnapping at serious illegal detention.

Ang dalawa iba pang suspek na napatay na si Arnel Cabintoy and Feliciano Sulayao Jr. ay mga miyemrbo din ng ASG, at lahat sila ay nahaharap sa kidnap-for-ransom cases at multiple illegal detention cases.//MHEL PACIA

BNFM National

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

8 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

8 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

8 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

8 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

8 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

8 hours ago