PNP chief, inihayag na sunod na target ng internal cleansing ang mga second-level officers

Inihayag ni PNP chief Rodolfo Azurin Jr.  na sunod na target ang mga police officers sa lower rank para sa imbestigasyon, sa gitna ng mga hakbang na masiwata ang ilegal na droga sa loob ng Philippine National Police.

Ang second-level ay ang mga may ranggong lieutenant hanggang sa lieutenant colonel para sa police commissioned officers, at mula sa patrolman/patrolwoman hanggang sa executive master sergeant para sa non-commissioned officers.

Una nang umapela si Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. sa third-level PNP officials o sa may mga ranggong full colonel hanggang sa general na magsumite ng kanilang courtesy resignations bilang “shortcut” sa cleansing sa kanilang hanay.

Sa ngayon, nasa 929 police colonels at generals na ang nagsusumite ng kanilang courtesy resignations o katumbas sa 97.48% mula sa 953 sa third-level rank.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *