Ipinaliwanag ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. na ang mga movements kamakailan sa liderato ng police organization ay bahagi lang ng regular revamp.
Ayon kay Azurin, nais lang nila na mas mapaganda ang presensya ng mga kapulisan sa National Capital Region, at sa pakarehong pagkakataon ay mabigyan ng ibang posisyon ang mga nagtatrabaho na mga opisyal.
Ang pahayag ng PNP chief ay matapos pangunahan ang turnover ceremonies para sa bagong regional director (RD) ng NCR Police Office (NCRPO).
Batay sa Special Order, ang PNP’s “Number 3” man Lt. Gen. Benjamin Santos Jr. ay napalitan ng assignment bilang Deputy Chief for Operations (TDCO) ni Major Gen. Jonnel Estomo.
Si Estomo naman na RD ng NCRPO, ay pnalitan ni Major Gen. Edgar Allan Okubo, Director ng Special Action Force (SAF), habang ang vacancy ni Okubo sa SAF ay pinunan ni Brig. Gen. Rudolph Dimas, na ngayon ay SAF Director, habang si Brig. Gen. Westrimundo Obinque ay itinalaga bilang successor ni Dimas bilang RD ng Police Regional Office 5.
Giit ni Azurin, na ang revamp ay walang kinalaman sa nagpapatuloy na cleansing sa third-level officers sa PNP na may mga ranggong colonel hanggang general.