PNP Chief Marbil, ipinag-utos na ang pagbuo ng SITG na tututok sa kaso ng beauty pageant candidate at kanyang Israeli boyfriend

Ipinag-utos na ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang pagbuo ng Special Investigation Task Group na tutututok sa kaso ng pagkawala ng beauty pageant candidate na si Geneva Lopez at ang kanyang Israeli boyfriend na si Yitshak Cohen.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, mamumuno sa binuong SITG ang CIDG kasama ang HPG, ACG , Forensic Group at iba pang national support unit.

Nauna nang narekober ng mga awtoridad ang isa sa mga sasakyan na pinaniniwalaang kasama ng nawawalang mga biktima noong araw na pumunta sila sa lupa na interesado nilang bilhin sa Tarlac City.

Isinasailalim na ngayon ng HPG sa imbestigasyon ang sasakyan at tinutunton ang indibidwal na pinagsalinan nito.

Lumalabas na naibenta na ito batay sa isinagawang panayam sa registered owner na nakalagay sa certificate of registration.

Sinabi rin ni Col. Fajardo na mayroon na silang mga Persons of Interest sa kaso ngunit hindi muna ito idinetalye hangga’t nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon.

Si Geneva at ang kanyang boyfriend ay nawawala simula pa noong Hunyo 21 matapos umalis sa Angeles City sa Pampanga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *