PNP Chief, nangakong hahabulin ang mga nasa likod ng cigarette smuggling sa bansa

Nangako si PNP Chief Benjamin Acorda Jr. na hahabulin ang mga nasa likod ng cigarette smuggling sa bansa.

Sinabi ni Acorda na kabilang sa listahan ng kanilang “primary considerations” ang paglaban sa mga peke at smuggled cigarettes.

Ang pahayag ng PNP Chief ay kasunod ng pagkabahala ni Misamis Oriental 2nd District Rep. Yevgeny Vicente “Bambi” Emano sa paglaganap umano ng illicit cigarettes na partikular sa kanyang distritio na nagresultya umnao ng pagkawala ng trabaho sa libo-libong tobacco farmers.

Ang mga smuggled cigarettes umano ay naibebenta sa halagang P45 per pack kumpara sa mga lehitimong sigarilyo na karaniwang ibinebenta sa halagang P160 kada pakete.

Sinabi ni Acorda, mahigpit ang direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na pigilan ang smuggling ng lahat ng uri ng produkto sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *