PNP Chief PGen Guillermo Eleazar, mainit na sinalubong sa kanyang ‘homecoming’ sa Tagkawayan, Quezon

Naging mainit ang pagsalubong ng mga kababayan ng bagong talagang Philippine National Police (PNP) Chief na si PGen Guillermo Eleazar sa kanyang homecoming at muling pagbisita sa bayan ng Tagkawayan, Quezon nitong Martes, Mayo 11.

Isang espeyal na flag-raising ceremony ang inihanda ng lokal na pamahalaan kay Eleazar na may temang ” Pagbabalik, Pagpupugay at Pasasalamat.”

Sa kanyang pananalita, inalala ng PNP chief ang kaniyang pangarap na maging Pulis Maynila noong kanyang kabataan.

Aniya, hindi biro ang pinagdaanan ng kanyang karera hanggang sa kasalukuyan niyang tungkulin bilang bagong talagang hepe ng pambansang pulisya.

Nagpasalamat naman si Eleazar sa kanyang mga kapamilya, kaklase at mga kababayan sa kanilang suporta at sinabing iniaalay niya ang tagumpay para sa buong bayan ng Tagkawayan.

Matapos ang naging programa ay binisita ni Eleazar at kanyang mga kapatid na sina Tagkawayan Mayor Carlo Eleazar at Rev. Fr. Richard Eleazar ang puntod ng kanilang yumaong ama na si Victor Lagdameo Eleazar, na isang World War II guerrilla fighter na nagdiriwang rin ng kanyang kaarawan.

Nagsagawa rin siya ng inspeksyon sa PNP Maritime Group detachment at Tagkawayan Municipal Police Station.

Si Eleazar ang ika-26 na naging Philippine National Police Chief at ika-6 sa ilalim ng administrasyong Duterte. Photo courtesy of Tagkawayan Teleradyo | via Brian Zagala, BNFM Lucena

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *