PNP chief: Rape-slay sa transgender man sa QC, naresolba na

Inihayag ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Guillermo Eleazar na ang kaso na pagpatay at umano’y pang-gagahasa sa isang 21-taong gulang na transgender man sa Quezon City, ay naresolba na.

Ayon kay Eleazar, naihain na ng criminal complaints na rape with homicide at robbery sa tatlong mga suspek na sina Zander Dela Cruz, 22; Joel Loyola alias Nonoy Sablay, 30; at Richard Elvin Araza , 34, na dawit sa rape-slay sa biktimang si Norriebi “Ebeng Mayor” Tria.

Dagdag ng PNP chief, nairefer na rin ang kaso sa city prosecutor sa pamamagitan ng online, at tinanggap ng Office of City Prosecutor ng Quezon City.

Sa kabila nito, inihayag ni Eleazar na hindi pa “closed” ang kaso dahil ang mga suspek ay hindi na nahahatulan.

Una nang sinabi ni Police Major Elmer Monsalve, head ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), na inimbitahan ang biktima ng kanyang kababata na si Dela Cruz para mag-inuman, kasama si Loyola at Araza sa Brgy. Payatas, noong May 18.

Paglalahad pa nito, na nung pauwi na ang mga ito ay bigla nalang sinikmuraan nitong Nonoy Sablay (Loyola) si Mayor at dinala sa bakantante lote sa katabing barangay, at doon ginawa ang krimen. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published.