PNP chief, sinibak sa serbisyo ang pulis na bumaril sa batang may special needs

Sinibak mula sa serbisyo ni Philippine National Police Chief Gen. Guillermo Eleazar ang isang pulis na bumaril-patay sa isang 18-taong gulang na may special needs noong May 23.

Ayon kay Eleazar, inaprubahan niya ang pagtanggal kay Police MSgt. Christopher Salcedo dahil “grave misconduct and less grave irregularity in the performance of duty.”

Si Salcedo ay kinasuhan ng administrative case sa pagpatay kay Erwin Arnigo sa isang anti-illegal gambling operation na pinangunahan ng mga opisyal ng Valenzuela City police.

Sinabi ng PNP chief na ginawa niya ang desisyon kasunod ng review sa rekomendasyon ng Internal Affairs Service (IAS).

Samantala, ibinasura naman ang administrative charges laban sa apat pang pulis na dawit sa madugong pamamaril dahil wala umano itong sapat na ebidensya para suportahan ang kanilang offenses. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *