PNP CIDG, binasura ang pagkakasangkot ng mga police escorts ni Gov. Degamo sa pagpatay

Binasura ng Criminal Investigation and Detection Group ang posibilidad na sangkot ang mga police escorts ni Negros Oriental Governor Roel Degamo sa kanyang pagpatay matapos ang ilan sa kanila ay nabigong mag-report sa kanilang duty noong araw ng pag-atake.

Sa pagdinig ng Senate Public Order and Dangerous Drugs Committee sa Degamo slay case, kinuwestiyon ni Senator JV Ejercito ang kawalan ng lima sa anim na police security ni Degamo nang siya ay mapatay noong March 4.

Sinabi ni CIDG Chief Police Brigadier General Romeo Caramat Jr. na inimbestigahan na nila ang usapin at napag-alaman na may katanggap-tanggap na rason ang mga police aide na absent noong araw na iyon.

Nauna nang sinabi ni Pamplona Mayor Janice Degamo, biyuda ng napatay na gobernador, na naniniwala siyang walang kinalaman sa pagpatay ang mga police security escorts ng kanyang asawa.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *