PNP-CIDG hinikayat ang iba pang biktima na magsampa ng reklamo kay “Cryptocurrency King”

Hinikayat ng Criminal Investigation and Detection Group o PNP-CIDG ang iba pang biktima ng tinaguriang crypto king na magsampa ng reklamo.

Ayon kay PCol. Thomas Valmonte, Chief ng Legal Division ng PNP-CIDG, ito ay para mapalakas pa ang kaso laban sa suspek na si Vance Joshua Tamayo.

Sabi ni valmonte dapat matuto na ang publiko sa paglalagak ng kanilang pera lalo na kung ito ay too good to be true.

Maaalalang naaresto si Tamayo at kasama niyang si Gerome ViΓ±as Laries kahapon ng madaling araw matapos ang ikinasang operasyon sa ParaΓ±aque City makaraang makatanggap ng reklamo ang CIDG sa panloloko umano ng mga ito ng milyon-milyong halaga sa kanilang mga investors.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *