PNP community outreach program ng Daraga MPS nagpapatuloy

LEGAZPI CITY- Nagpapatuloy ang Philippine National Police Community Outreach Program ng Daraga Municipal Police Station sa Brgy. Kidaco, Daraga, Albay.

Dumalo ang mahigit 100 residente ng nasabing Barangay na nakatangap ng meryenda, at mga relief packs na nakalaan para sa bawat pamilya na naglalaman ng bigas, sardinas at noodles.

Nagsagawa din ng information drive sa pamamagitan ng pagbibigay ng flyers at lecture tungkol sa RA9262 o “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004”.

National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 , Crime prevention and safety tips, at iba pang mahahalagang paksa.

Kabilang rin sa isinagawang programa ang pag-oorganisa at panunumpa ng mga miyembro ng Advocacy Support Group, Force Multiplier, at Kabataan Kontra Droga at Terorismo.

Ang programang ito ay alinsunod sa direktiba ni Chief ng Philippine National Police Dionardo Carlos na may adhikaing magpaabot ng munting tulong sa ating mga kababayan na lubos na naapektuhan ng pandemya, at ganun din sa mga naninirahan sa malalayong lugar.

Kung matatandaan nagsagawa narin ang nasabing tanggapan ng Outreach Program sa Barangay Dinoronan, Daraga, Albay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *