PNP, dapat isaalang-alang ang muling pagbuhay sa Oplan Tokhang – Sen. Dela Rosa

Dapat isaalang-alang ng Philippine National Police ang muling pagbuhay sa kontrobersyal na anti-drug campaign na Oplan Tokhang kasunod ng pagbabalik umano ng mga sindikato ng droga sa bansa.

Sa isang panayam sinabi ni Senator Ronald Bato Dela Rosa, na naging epektibo at sa katunayan ay bumaba ng 50 percent ang crime volume sa bansa dahil sa tokhang nang ipatupad ito noong siya ay dating hepe ng pambansang pulisya.

Samantala,  tinanggihan  ni Dela Rosa ang petisyon ng isang International Criminal Court prosecutor na ipagpatuloy ang imbestigasyon nito sa drug war at Davao Death Squad killings sa Pilipinas.

Aniya, ang pagsuporta sa drug war probe ng ICC ay mangangahulugan ng hindi paggalang sa local courts kung saan isa siya sa mga personalidad na kasama sa charge sheet.

Samantala, una nang nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na humalili kay Duterte, na ipagpapatuloy ang giyera sa droga ngunit nakatuon sa pag-iwas at rehabilitasyon.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *