NAGA CITY – Zero incident o walang na-irestrong insidente o aksidente ang Municipal Police Station ng Del Gallego, Camarines Sur, sa boarder control checkpoint kaugnay sa ginanap na peñafrancia traslacion procession kahapon.
Ito ang napag-alaman kay PMAJ Chester Enriquez, Chief of Police ng Del Gallego MPS, sa kabila ng naging mabigat din ang daloy ng trapiko dahil sa dagsa ng mga biyaherong pumapasok at lumalabas sa Camarines Sur at Naga City.
Kung saan muli na namang mararanasan sa darating na linggo kaugnay pa rin sa nangyayaring Peñafrancia Festival sa Naga City.
Ngayong araw wala ring naitatala pang aksidente sa bayan at manageable na ang trapiko.
Ayon naman sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Head ng bayan, Laurence Rojo, nakabantay rin sila at isa sila sa augmentation team.
Nag-assist sa first Regional Bicol CTP/DRRM/ at MAPEH Parade sa Naga.
Nagpaalala na rin ito na mag-inom ng maraming tubig lalo na sa mga bisita.