Nakumpleto na ng PNP Forensic Group ang proseso ng autopsy sa grade 5 student na si Francis Jay Gumikib na nasawi matapos sampalin umano ng kanyang guro sa Antipolo, City.
Ayon kay PNP Forensic Group spokesperson, PMaj. Sotero Rodrigo, inabot ng mahigit dalawang oras bago natapos ang autopsy at posibleng abutin ng pitong araw ang resulta nito.
Kailangan pa raw kasing pag-aralan ito ng mabuti ng mga doktor.
Nabatid na magiging batayan ng Antipolo City Police ang resulta ng autopsy para sa reklamo na isasampa laban sa guro.