Gumagastos umano ang Philippine National Police ng P26.7B taon-taon sa kanilang sobra-sobrang posisyon.
Ayon sa dokumentong pirmado ni irector DBM’s Budget and Management Bureau director Mary Anne Dela Vega na ipinadala kay DILG Sec. Benhur Abalos Jr., hindi tugma sa approved rank distribution ang aktwal na bilang ng mga pulis sa organisasyon ng PNP.
Para sa mga may ranggong Lieutenant generals, tatlo lang ang aprubado ng DBM pero mayroon ngayong walo habang labing isa lang sa major generals pero mayroong 17.
Walompu’t anim ang nakalaan sa Brigadier Generals pero 110 ang kasalukuyang opisyal.
Para naman sa Colonel, ay nasa 624 ang pinapayagan ng DBM pero nasa 856 na ito ngayon habang 2, 000 lamang ang Liutenant Col. pero umaabot na ito ngayon sa 2, 910.
Nakapaloob sa sulat ng DBM na anumang pagbabago sa organizational structure ng PNP ay dapat aprubado ng NAPOLCOM at ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.