PNP Highway Patrol Group naglunsad ng operasyon nitong Lunes kahit holiday

CAMARINES NORTE- Naglunsad ng operasyon ang Philippine National Police Highway Patrol Group nitong Lunes, May 1 sa kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay Pamorangon dito sa Daet.

Kahit holiday ay tuloy ang trabaho ng Guardians of the Highway at maraming mga motorista ang nasita at naisyuhan ng ticket dahil sa iba’t- ibang paglabag.

Katuwang ng HPG ang mga local traffic enforcer ng Daet.

Tulad ng mga naunang operasyon kabilang sa mga paglabag ng mga nasitang motorist ay ang pagmamaneho ng walang lisensiya, unauthorized helmet seatbelt at iba pa.

Mababatid na hindi lang sa Daet nagsasagawa ng operasyon ang HPG.

Noong nakaraang linggo ay nagtungo ang grupo sa Paracale at iba pang bayan para maglunsad ng operasyon at siguruhing ang mga motorista ysumusunod sa batas.

Karamihan naman sa mga violation ng nasa malalayong bayan ay ang hindi pagsusuot ng helmet.

Kasabay naman ng Oplan Sita at issuance ng violation ticket ay nagsasagawa na rin ng information campaign ang HPG sa pamamagitan ng pamimigay ng mga flyers na naglalaman ng mga Ligtas tips sa krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *