PNP, ikinokonsidera ang pagsasama sa nitrous oxide sa listahan ng dangerous drugs sa bansa

Ikinokonsidera ng Philipine National police ang pagsasama ng nitrous oxide na kilala rin bilang “laughing gas” sa listahan ng dangerous drugs o ipinagbabawal na gamot sa bansa.

Sa isang panayam,  sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, nakikipag-ugnayan na sila ngayon sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos makatanggap ng mga ulat na may mga lobo na may laman “laughing gas” ang ibinebenta umano sa isang club sa Pasay City.

Ang nitrous oxide ay karaniwang ginagamit i bilang anesthetic sa mga medical at dental clinics at sumikat sa ibang bansa bilang “recreational drug.”

Hindi pa ito itinuturing na isang illegal substance sa ilalim ng RA  9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *