PNP, inihahanda na ang seguridad para sa pagbisita ni US VP Kamala Harris sa bansa

Inilatag na ng Philipine National Police (PNP) ang security plans para sa nakatakdang pagbisita ni US Vice President Kamala Harris sa bansa.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, handang-handa na ang PNP, katuwang ang Presidential Security Group (PSG) para sa pagbisita ni Harris sa ika-20 hanggang 22 nitong Nobyembre.

Sa ngayon, wala pa namang namo-monitor na ano mang seryosong banta ang mga otoridad.

Sa kabila nito, maghihigpit pa rin aniya ang PNP ng seguridad para masiguro ang mapayapang pagbisita ng isang US top official sa bansa.

Matatandaaang sa isang background briefer, sinabing nakatakdang lumapag si Harris sa bansa sa gabi ng November 20 matapos nitong dumalo sa APEC Summit sa Thailand.

Inaasahan naman ang magkahiwalay na meeting ng US Official kasama si Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte.

Nakatakda rin ang pagpunta ni Harris sa Palawan – isang hakbang na pinaniniwalaang sisimbolo sa commitment ng Estados Unidos na tumalima sa rulling sa South China Sea.

Dito ay makakapulong ng US Vice President ang mga tropa ng Philippine Coast Guard, ilang mga residente sa Puerto Princesa, at ilang mga civil society leaders.

Naka-schedule din ang isang ‘town hall’ conversation’ ni Harris kasama ang mga kabataang Pilipina para sa paksang women empowerment.
#

RELATED STORIES:

US VP Kamala Harris, nakatakdang makipagpulong kina Marcos, Duterte sa bansa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *