PNP iniimbestigahan na ang kontrobersiyal na ‘police visitation’ sa mga journalist

Inihayag ngayon ng Philippine National Police (PNP) na maglalabas sila ng guidelines sa kaugnay sa kung paano dapat makipag-ugnayan ang mga opisyal ng pulisya sa mga media practitioner matapos magdulot ng alalahanin ang mga pagbisita nito sa mga tirahan ng mga mamamahayag.

Aminado si PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na may mali sa mga pagbisita sa bahay dahil walang direktang utos mula sa PNP national headquarters o sa regional director na pumunta ang mga pulis sa mga tirahan ng mga journalist upang tanungin kung may banta ba ito sa kanilang mga buhay.

Sinabi ni Fajardo na ang tanging tagubilin ng PNP chief ay makipag-ugnayan sa mga personalidad ng media at alamin kung nakakatanggap ba sila ng mga banta kasunod ng pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Posible umanong iba-iba ang naging interpretation ng ilang kapulisan kung paano isagawa ang coordination sa mga media practitioners sa kani-kanilang mga areas of jurisdiction.

Sinabi din ni Fajardo na ipinagutos na ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na magkaroon ng imbestigasyon sa usapin, at ang mga corrective measures ay ipapatupad laban sa sinumang mapatunayang mayroong  pananagutan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *