Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) ang paglagay ng sa red category para sa 27 areas ng election concern, sa darating na 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE).

Ang mga lugar sa pula na kategorya ay nag-uulat ng mga pinaghihinalaang insidente na may kaugnayan sa halalan sa huling dalawang botohan at may matinding armadong banta sa mga lokal na grupo ng terorista.
Ayon kay PNP Directorate for Operations Police Brigadier General Leo Francisco na hindi bababa sa 4,085 na lugar ang nasa yellow category, habang 232 ang nasa orange category.
Tumanggi naman itong na tukuyin ang 27 lugar na nasa red category, ngunit sinabing marami ang nasa Mindanao.
Hindi pa rin aniya naisumite ng PNP ang finalized list para sa mga election hotspots dahil hinihintay pa nila ang findings ng Philippine Coast Guard (PCG) at Armed Force of the Philippines (AFP).