PNP, isinasapinal na ang mga suhestyon para sa psychiatric exam ng police force

Isinasapinal na ng Philippine National Police ang mga rekomendasyon nito para sa pagsasagawa ng psychiatric-psychological exam (PPE) sa lahat ng mga tauhan ng PNP, sa gitna ng mga kaso ng grave misconduct na kinasasangkutan ng mga opisyal nito.

Sa news  brief na ipinadala ng PNP sa media ay nabanggit ang nangyaring pag-aamok ng isang police seargent sa loob ng Manila Police District (MPD) headquarters para sa pagsusulong ng periodic psychiatric exam para sa kanilang hanay.

Doon ay sinabi ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar na maisasama sa mga guidelines ang Health service recommendations na kailangang ma-obserba sa regular assessment sa emotional at mental health ng mga pulis.

Iginiit ni Eleazar na ang nangyaring insidente sa MPD kamakailan, at ang iba pang mga insidente ay nagpapakita sa kanilang pangangailangan na masuri ang overall state ng kanilang mga tauhan.

Iginiit ng PNP Chief na hindi dapat ito nagtatapos sa kung paano nila ginagawa ang kanilang trabaho.

Anya, dapat ay kasama rin rito ang pagtingin sa kanilang physical, emotional, at mental state.

Una nang sinabi ni Eleazar na kinokonsidera niyang magsagawa ng PPE ng kada tatlong taon bilang bahagi ng effort na magpapaigting sa general welfare ng PNP personnel, lalo na ang mga kasama sa ground operations.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *