PNP, kinilala ang motoristang naglabas ng baril sa road rage incident sa Valenzuela

Kinilala na ng Philippine National Police (PNP) ang motoristang naglabas ng baril sa road rage incident sa Valenzuela na si Marlon De Jesus Malabute.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, ni-revoke na ang kanyang license to own and possess firearms pati na rin ang rehistro ng kanyang baril.

Kinumpirma ni Fajardo at ng biktima na plano nilang sampahan ng kasong grave threat si Malabute.

Magkakaroon ng press conference ngayong araw ang Valenzuela LGU tungkol sa kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *