CAMARINES SUR- Dinukot umano ng puting van ang isang 5-anyos na bata sa Libmanan Camarines Sur.
Ito ang kumalat na impormasyon sa naturang bayan. Sa pagharap sa konseho ni PLTCOL. Alex Penafiel hepe ng Libmanan PNP, sinabing nakausap ng pulisya ang 10-anyos na kapatid ng bata na tinangka umanong dukutin sa Barangay Tarum. Salaysay nito, may bigla na lamang tumigil na van at kinukuha ang 5-anyos na kapatid bandang alas-4 ng hapon nitong Sept. 10, 2023. Nakagat niya ang kamay ng lalaking nagtangang kumuha kaya nakatakas. May nakita pa umanong dalawang bata na sakay ng van. Nagdulot ito ng pag-kaalarma at takot sa mga mamayan ng Libmanan.
Ayon po sa masusi at maingat na pagfollow-up o pag iimbestiga ng PNP lumalabas na walang naganap na attempted kidnapping ngunit hindi isinasawalang bahala ng PNP na may ibang intensyon ang nasabing dalawang kalalakihan na lulan ng puting van. Patuloy na kumalap ng CCTV footages sa mga katabing barangay at karatig bayan para sa pagkakakilanlan ng sakay nasabing van.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PEMS Joel Benculado ,tagapagsalita ng PNP sinabing huwag magpanic pero dapat maging mapangmatyag sa lahat ng oras.