PNP Luna, ginawaran ng medalya ng papuri ng IPPO

Ginawaran ng Medalya ng Papuri ang himpilan ng PNP Luna sa pamumuno ni Chief of Police PCapt. Joesbert Asuncion kaugnay sa pagkakaloob nila ng libreng pabahay sa isa sa residenteng labis na nangangailangan sa kanilang nasasakupan.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PCapt. Asuncion, sinabi niya na isa itong karangalan para sa kanilang hanay at patuloy silang magbibigay ng tulong sa mga mamamayan.

Personal niyang tinanggap ang nasabing parangal noong June 28, 2021 sa IPPO kasama rin ang walong iba pang PNP Station.

Ito aniya ay bahagi lamang ng programa ng PNP na Libreng Pabahay Project at BarangayAnihan Project ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar at PRO2 sa pamumuno ni Regional Director PBGen. Crizaldo Nieves.

Samantala, sa hiwalay na panayam kay PSSgt. Ernie Cusipag, PCAD ng PNP Luna, isang senior citizen na balo ang kanilang benepisaryo na mula sa Brgy. Centro 2, Luna, Isabela.

Aniya katuwang din nila sa naturang proyekto ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Luna.

Tiniyak naman ng kapulisan ang patuloy na pagtulong sa mga residente maging ang mahigpit na pagpapatupad ng minimum health standards kontra COVID-19 pandemic.

Photo: Luna MPS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *