PNP, magde-deploy ng mga ‘secret police’ para matiyak ang seguridad ngayong holiday season

Pinaghahandaan ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad para sa mga areas of convergence bilang parte ng pagpapaigting ng security operations sa nalalapit na kapaskuhan.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, magde-deploy ng mga pulis na hindi naka-uniform at nakasibilyan.

Ito umano ay upang masiguro na walang maitatalang criminal activities gaya ng pagnanakaw at pangho-holdap.

Aasahan din ang pade-deploy ng PNP ng mga secret police o intelligence police.

Bukod dito, magtatalaga rin ang kapulisan ng force multipliers o mga village watchment na tutulong sa seguridad sa mga guards sa mga malls at pamilihan.

Bago ito, una nang sinabi ni Fajardo na kabuuang 6, 000 tourist-oriented personnel ang ide-deploy sa mga lugar na inaasahang magkakaroon ng pagdumog ng mga tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *