PNP, maghahain ng kasong murder at theft sa 3 suspek pagpatay sa radio brodkaster

Inirekomenda na ng Philippine National Police ang pagsasampa ng kasong murder at theft sa tatlong suspek na isinasangkot sa pagpatay sa radio brodkaster na Juan Jumalon sa Misamis, Occidental.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, sa ngayon nasa tanggapan na ng Provincial Prosecutors Office ng Misamis Occidental ang mga kasong ito para sa sumailalim sa evaluation ng Assisting Prosecutor sa ilalim ng case build-up mechanism ng Department of Justice alinsunod sa DOJ Department Circular No. 20.

Nakilala na ang isa sa suspek samantalang ang dalawa pang kasama nito ay patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan.

Hindi muna ibubunyag ang pagkakakilanlan ng mga suspek habang nagpapatuloy ang case build-up sa nangyaring pagpaslang kay Jumalon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *