PNP, muling binubuhay ang paggamit ng baton, pito sa mga kapulisan

Muling isinusulong ng Philippine National Police (PNP) ang paggamit ng pito at baton bilang bahagi ng kanilang uniporme.

Ayon kay PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na magiging huling opsyon na lang ang pagagamit ng baril sa mga pulis.

Paliwanag ni Acorda, binase ang paglalabas ng direktiba sa pagbusisi at obserbasyon sa mga nakalipas na taon kung saan hindi napipilitang gumamit ng mga baril ang mga pulis kahit na sa pagbibigay ng babala sa law offenders.

Matatandaang iminungkahi ni Sen. Ronald dela Rosa ang paggamit ng pito at baton ng mga pulis kasunod ng pagkamatay ng 17-anyos na si Jhemboy Baltazar sa kamay ng mga pulis-Navotas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *