Nadagdagan pa ang pwersa ng Pambansang Pulisya.
Ito’y makaraang manumpa kaninang umaga sa Kampo Crame ang apatnapu’t tatlong mga bagong opisyal ng PNP.
Pinangunahan ni PNP Chief Police Gen. Benjamin Acorda Jr. ang oath taking para sa mga pulis.
Sila’y aling sa lateral entry program para sa pagiging technical officers.
Kasama sa nanumpa, ang 14 na Chemist, 8 medical doctor, 6 na abugado, 5 psychologist, 5 dentist, 2 geodetic engineer at tig- iisang pari, medico-legal, electronics and communication engineer.
Sa kanyang mensahe kanina, sinabi ni Gen. Acorda na ang lateral entry program ay testamento sa commiment ng PNP para ma meet ang demand ng mga kinakailangang professionals sa kanilang hanay.
Bibigyan muna sila ng temporary status sa kanilang duty.