PNP, nagbabala sa mga mamamayan ng Bataan na nag-iingat ng mga natagpuan na vintage bomb

Nagbabala ang mga pulis sa mga mamamayan ng Bataan na makakatagpo o nag-iingat ng mga lumang pampasabog na gamit pa noong ikalawang digmaang pandaigdig.

Ito ay makaraang umabot sa mahigit isandaang piraso ng mga vintage bomb ang natagpuan at nakumpiska ng mga pulis simula noon lang nakaraang taon.

Ayon kay Bataan Provincial Explosive Unit Chief Pcapt Esteban Baylon III, mayroon pa ring tiyansang sumabog ang mga lumang bomba kapag bumagsak o mali ang paraan ng pag-iingat kaya hindi dapat itinatago ng mga sibilyan.

Sa magkakasunod na buwan,nakakumpiska ng vintage bomb ang mga pulis Bataan sa mga junk shop, may natagpuan sa bayan ng Mariveles at ang pinakahuli ay ang mga pulbura na ginagamit para mapasabog ang mga sinaunang missiles.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

May be an image of 6 people, people standing, fruit and text that says 'Strong immunity Strong bones 100 Capsules ASCORBIC ACID (as Calcium Ascorbate) GUARD-C Youthful glow VITAMIN Buy now at Lazada ASCORBIC ACID (as Calciur Ascorbate) GUARD-C Healthy heart Helps reduce stress Helps heal wound faster ww.a'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *