Nakapagtala na ng 22 suspected election related incidents ang Philippine National Police para sa nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo, mula sa nabanggit na bilang, 11 rito ay validated bilang non-election related incidents habang 2 ang validated election-related incidents
Ang natitirang siyam naman ay nakalista bilang suspected election-related incidents habang isinasagawa ang imbestigasyon at validation.
Sinabi ni Col, Fajardo, naitala sa Region 5 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM ang dalawang natukoy na validated ERI habang ang 11 na non ERI ay naitala sa Regions 3, 5, 8, 9, 12 at 13.
Samantala hanggang kaninang alas-sais ng umaga, nakakumpiska na ang PNP ng 286 firearms dahil sa paglabag sa gun ban.
Nasa 273 rito ang small firearms at 13 ang light weapons.